Bumabagyo, at ayaw mong lumabas upang bumili ng pagkain dahil bumabaha. Sinubukan mong tumawag sa isang fast food chain, at nagulat ka dahil nag-de-deliver pa rin sila kahit hanggang bewang na ang baha. No choice ka at umorder. Tulad ng inaasahan, hindi dumating ang pagkain at nang tumawag ka ulit ay inabisuhan ka ng operator na hindi made-deliver ang pagkain dahil sa taas ng tubig.
Ang tanong, pwede mo ba i-demanda ang fastfood chain dahil sa breach of contract o hindi pagtupad sa usapan?
Ayon sa New Civil Code of the Philippines:
Art. 1174. Except in cases expressly specified by the law, or when it is otherwise declared by stipulation, or when the nature of the obligation requires the assumption of risk, no person shall be responsible for those events which could not be foreseen, or which, though foreseen, were inevitable.
Definition. Ito ang “Fortuitous Event”, o mga bagay na hindi inaasahan, o kahit inaasahan ay hindi mapipigilan.
Ang tawag ng iba dito ay “Act of God“. Magandang halimbawa nito ay bagyo, lindol, pagtama ng kidlat, etc. Ang terminong ito ay ginagamit interchangeably with “Force Majeure” or a superior or irresistible force which results to injuries to another. Ang Force Majeure ay mga bagay na gawa ng tao tulad ng riot, giyera o pagnanakaw, while ang Fortuitous Event ay mga kalamidad.
Although ang pagbubuntis ay bagay na hindi inaasahan, o inaasahan ngunit hindi mapigilan dahil sa libog, hindi ito masasabing fortuitous event.
General Rule. As a rule, ang fortuitous event ay bagay na magsasabla sa isang debtor sa hindi pagtupad ng kanyang obligasyon. Tulad ng halimbawa natin, hindi liable ang fastfood chain kung hindi nila ma-deliver ang inorder na pagkain dahil sa matinding baha at pag-ulan. Ganito rin ang sabi ng ibang probisyon ng New Civil Code:
When by law or stipulation, the obligor is liable even for fortuitous events, the loss of the thing does not extinguish the obligation, and he shall be responsible for damages. The same rule applies when the nature of the obligation requires the assumption of risk.
Exceptions. Hindi porque may lindol, bagyo o baha, e wala na agad pananagutan ang isang taong may obligasyon.
1) When the law provides. Kung ang batas mismo ang nagsabi na hindi lusot ang isang debtor kahit may fortuitous event, walang magagawa kundi magbayad. Isang halimbawa ay ang mga pagawaan ng sasakyan na kailangang mag parehistro sa DTI at kumuha ng insurance para sa mga sasakyang nakaparada sa kanila upang kumpunihin (PD 1572). At kung pinasok ng baha ang pagawaan ng sasakyan at nasira lahat, sabit ang pagawaan kung wala siyang insurance, dahil tinakda mismo ito ng batas.
2) Delay. Ayon sa Art. 1262, kung may delay o hindi pagtupad sa oras na tinakda, maaring managot pa rin ang debtor.
Example: Bumili si Bon ng Bulldog kay Joel upang ipares sa kanyang Schitzu at mag-breed ng BullSchit. Lunes dapat ide-deliver ni Joel ang Bulldog kay Bon, ngunit hindi ito nagawa. Martes, kumulog at tinamaan ng kidlat ang Bulldog, syempre patay. Taragis! Hindi magagamit na dahilan ni Joel ang fortuitous event dahil may delay na siya sa simula pa lamang. Lunes, dapat nagbi-breed na sana ng BullShcit si Bonn, ngunit hindi ito tinupad ni Joel.
3) When the obligation so provides. Pwedeng pag-usapan ng partido na hindi covered ng fortuitous event ang kontrata. Tulad ng halimbawa sa taas, kung pinag-usapan ni Bon at Joel na kailangang i-deliver ang Bulldog, umulan man o bumagyo, at nalunod ang aso dahil sa baha, may pananagutan pa rin si Joel.
4) When the nature of obligation requires assumption of risks. Kung ang Bulldog ni Joel ay insured, at namatay dahil sa fortuitous event bago ma-deliver kay Bon, babayaran ito ng Insurance Company, kung may Acts of God provision sa insurance policy. E yun nga mismo ang kontrata ni Joel at ng Insurance Company. Assumption of risk. Yun ang binabayaran dun.
5) When the loss caused by debtor’s fault. May bagyo nga, kaso naman pinabayaan ni Joel ang Bulldog sa labas ng gate at nagkatrangkaso, ayon namatay. Hindi parin lusot si Joel kay Bon.
Effect of fortuitous event upon the thing delivered. Dahil sa fortuitous event hindi na-deliver ang Bulldog ni Bonn. Ano epekto? Edi quits. Wala nang obligasyon si Joel na magbigay ng aso. Yan ay kung ang bagay ay ”specific” or “determinate thing”, ayon sa prinsipyong “res perit domino” (the thing perishes with the owner). Ibig sabihin ang Bulldog na binili ni Bon ay pinili niya mismo mula sa 10 alagang Bulldog ni Joel, na nagngangalang Asol. Kapag namatay si Asol dahil sa fortuitous event, wala nang pananagutan si Joel.
Pero kung ang Bulldog na binili ni Bon ay generic, kahit sa sino sa 10 alagang aso ni Joel, at namatay ang isa dito dahil sa fortuitous event, dapat pa rin i-deliver ni Joel ang Bulldog kay Bon mula sa natitirang 9.
Hindi lahat ng bagay isinisisi sa bagyo. Minsan ang tao ay may kasalanan din.
“It has been held that an act of God cannot be invoked to protect a person who has failed to take steps to forestall the possible adverse consequences of such a loss. One’s negligence may have concurred with an act of God in producing damage and injury to another.” – Roberto Sicam, et al., vs. Lulu V. Jorge, et al. G.R. No. 159617, August 8, 2007.