Sa wakas, pwede na rin magpalit ng kasarian sa birth certificate (BC) ng hindi dumadaan sa korte.
Yan ay ayon sa RA 10172 o “AN ACT FURTHER AUTHORIZING THE CITY OR MUNICIPAL CIVIL REGISTRAR OR THE CONSUL GENERAL TO CORRECT CLERICAL OR TYPOGRAPHICAL ERRORS IN THE DAY AND MONTH IN THE DATE OF BIRTH OR SEX OF A PERSON APPEARING IN THE CIVIL REGISTER WITHOUT NEED OF A JUDICIAL ORDER”
Titulo pa lang obvious na. Para ito sa mga lalaking “F” o female o babaeng “M” o male ang nasa BC. Ngayon classified na “clerical error” na ang gender, hindi tulad dati na substantive at kailangan pang dumaan sa korte para mapalitan.
Hindi pala eto para sa mga nagpa-sex change at gusto palitan ang gender from male to female. Dapat clerical error talaga. Hindi rin ito para sa mga babaeng mukhang lalake. Hindi batas kailangan dun kundi plastic surgery.
Ang pagpapalit ng clerical error ay maari nang gawin sa city civil registrar at hindi na mismo sa NSO. Para sa mga kababayan natin nasa abroad, maari itong gawin sa pinakamalapit na consulate o embahada ng Pilipinas.
Pwede rin palitan ang tamang birthday at lugar ng nasa BC.
Eto ang link basahin niyo na lang. Mahirap mag type sa cellphone. http://www.gov.ph/2012/08/15/republic-act-no-10172/